Friday , November 15 2024
internet connection

Matatag na internet connection tiniyak sa mga liblib na lugar

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na patuloy na magtatrabaho sa pagtatatag ng mga koneksiyon sa internet sa mga liblib na lugar sa bansa ang kanyang administrasyon dahil naging pangunahing pangangailangan sa sa post-pandemic ang pag-access sa web.

Inihayag ito ni Marcos Jr., nang ‘mag-gatecrash’ siya sa isang Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng mga stakeholder ng ahensiya.

“Gusto kong subukan kung talagang sinasabi sa akin ni Sec. Ivan (John Uy) e talagang gumagana,” sabi ni Marcos na tinawag ang sarili bilang ‘gatecrasher’ sa Zoom call.

“Mukha namang marami na tayong nalagyan ng bagong connection para may internet na sila ngayon… Lalo na ‘yung malalayo dahil mas may kailangan, lalo na ‘yung mga bata para sa kanilang eskuwela,” aniya.

“Umpisa pa lang ito. Gagawin natin ito para masabi natin, lahat ng Pinoy kayang kausapin lahat ng ibang Pinoy,” dagdag niya.

Binati ni Marcos ang DICT para sa libreng WiFi na proyekto nito at sinabi kamakailan, na ang mga koneksyon na inilagay ng ahensiya ay ‘gumagana nang maayos.’

“Yung iba’t ibang lugar nagkaroon na ng internet kaya’t dadagdagan pa natin,” sabi ng Pangulo.

“Buti na lang maraming bagong teknolohiya na puwede nating gamitin na we are taking advantage of para naman sa buong Filipinas ay makaramdam tayo ng connectivity at napakaimportante ngayon niyan,” aniya.

Ang BroadBand ng Masa Project (BBMP) ng DICT ay naglalayong maglunsad ng libreng WiFi connections sa malalayong lugar sa bansa.

Nauna nang kinuha ng gobyerno ng Filipinas ang Starlink ni Elon Musk para tumulong sa pagbibigay ng mga serbisyo sa internet sa mga lugar sa kanayunan.

Batay sa ulat ng DICT, 4,757 live sites ang na-activate sa 17 rehiyon, 75 probinsiya at National Capital Region sa ilalim ng digitalization initiative ng gobyerno.

Dagdag ito sa 606 lungsod at munisipalidad na sumailalim sa digitalization.

Noong Oktubre 2022, halos 30 porsiyento ng 110 milyong populasyon ng Filipinas ang walang access sa internet, ayon sa datos ng gobyerno. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …