PINAALALAHANAN ng Filipino community leaders sa Hong Kong ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng Filipinas ngayong holiday season kaugnay ng protocol ng bansa para sa mga hindi bakunadong inbound passengers.
Partikular na unang inianunsiyo ng Department of Health (DoH) na kinakailangang magpresenta ng negative antigen test result ang mga inbound travellers sa Filipinas na hindi fully vaccinated.
Gayondin ang mga pasaherong hindi ma-verify ang vaccination status.
Sakop nito ang mga nasa edad 15 anyos pataas na kinakailangang gawin ang antigen test 24 oras bago ang arrival sa Filipinas. (GINA GARCIA)