I-FLEX
ni Jun Nardo
TUMUNTONG muli si Toni Gonzaga sa Eat Bulaga Studios last Saturday matapos lumipat sa ABS-CBN.
Guest judge si Toni sa Bawal Judgmental segment ng programa. Katabi ni Toni si Joey de Leon habang si Vic Sotto ang host ng segment.
Kapareha ni Toni si Joey sa MMFF movie na My Teacher. Eh sa nakaraang festivals, madalas na may entry si Vic.
Kaya biro niya, “May entry si Pareng Joey kaya hindi ako gumawa!”
Ganting biro ni Toni, “Kaya pumayag akong makasama siya dahil wala kang (Vic) entry! Ha! Ha!Ha!”
Discovery ng Bulaga si Toni matapos niyang sumikat sa isang softdrinks commercial na tumatak ang sigaw niyang, “I Love you, Pioloooooo!”
Kahapon, December 25, nagsimula ang bakbakan ng walong entries sa Metro Manila Film Festival 2022!