Monday , December 23 2024
RFID traffic

Sa pagbigat ng trapiko
SMC INFRA, NAGPAALALA SA MGA MOTORISTA, TOLL HOLIDAY PARA SA PASKO AT BAGONG TAON IKINASA

INAASAHAN ang pagbigat ng trapiko sa mga kalsada, mula Metro Manila hanggang mga expressway na daraanan pauwi sa mga probinsiya kaya pinaalalahanan ng SMC Infrastructure ang mga motorista na iplano ang kanilang mga biyahe upang makarating nang ligtas sa kanilang patutunguhan. 

Pahayag ng infrastructure arm ng San Miguel Corporation (SMC), nagdagdag sila ng traffic management personnel sa kanilang mga tollway na kinabibilangan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), the Skyway System, NAIA Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) para sa roadside assistance at upang mapabilis pa ang takbo ng mga sasakyan sa mga exit points. 

Ito ay sa pakikipagtulungan sa lokal na pulisya at traffic bureau ng local government units (LGUs). 

“Traffic buildup and congestion at our expressways, ports, and airports is something we all expect at this time of the year, especially as restrictions have fully eased. We appeal to our motorists for their patience and understanding as we anticipate heavy traffic,” wika ni SMC President Ramon S. Ang. 

“What would be a big help is if we all plan our trips well ahead, and leave earlier to allot more time for travel, especially if you are catching a flight or scheduled bus trips. For motorists, we also suggest to please make sure your vehicles are in good condition, and that your electronic toll collection accounts are topped up, to prevent any delays to you and to others,” dagdag ni Ang. 

Kasama sa dagdag na tao ang ambulant tellers na tutulong upang mapabilis ang paglabas-masok ng mga sasakyan sa mga toll plaza sa pag-scan ng mga autosweep cards ng mga nakapilang sasakyan.

Pinaalalahanan ang mga motorista na ihanda ang kanilang autosweep ETC cards sa kanilang mga sasakyan. 

Bukod sa pagdaragdag ng mga tao ay inilunsad kamakailan ng kompanya ang “Seamless Southern Tollways” bilang paghahanda sa holidays. 

Binabawasan ng programang ito ang toll stops ng mga motorista sa Skyway System, SLEX, at STAR sa dalawa mula sa dating lima na kanilang entry at exit points. Ang Calamba, SLEX Greenfield, at Sto. Tomas, Batangas toll plaza ay magiging pass-through lanes para mabawasan ang chokepoints. 

“We implemented the Seamless Southern Tollways initiative so motorists will no longer need to make as many stops and can fully enjoy seamless travel along Skyway, SLEX, and STAR. We started implementation last December 1, so that motorists can start feeling its benefits during the busy Christmas season. SMC Infrastructure had been working to complete the program since early this year, and we’re glad to report that so far, feedback on the initiative has been very positive,” ani Ang. 

“We’ve been seeing good results the first two weeks. Smoother traffic flow has been observed, and we’re hoping this will translate to a better driving and travel experience overall for many motorists this holiday season,” dagdag niya. 

Ayon kay Ang, papanatilihing bukas ng kompanya ang autosweep customer service centers at RFID installation kiosks sa mga gasolinahan sa SLEX para sa mga motorista na wala pang ETC sticker tags. 

Samantala, nagdeklara ng toll holiday ang SMC Infra sa STAR, SLEX, Skyway system, NAIAX, at TPLEX, para sa Pasko at New Year holidays. 

Magsisimula ang toll holiday 10:00 pm ng 24 Disyembre hanggang 6:00 am ng 25 Disyembre para sa Pasko; at 10:00 pm ng 31 Disyembre hanggang 6:00 am ng 1 Enero para sa Bagong Taon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …