Thursday , April 3 2025

Automated censorship ng Facebook, inalmahan ng Bayan

122222 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

SA PAMAMAGITAN  ng mga ‘troll ng estado’ nagagawang pigilin, burahin o bawasan ng social media app Facebook ang malayang pagsasalita, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Sa isang kalatas, sinabi ng Bayan na nakatanggap ito ng ulat na dumaraming mga pahayag at video ng mga miyembro nito ang tinanggal sa Facebook dahil naglalaman ng mga tungkol sa yumaong Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison.

Tinuligsa ng BAYAN ang automated censorship at nagbabala laban sa mga tech company na nagpupulis sa internet pabor sa state trolls at authoritarian regimes.

Sinabi ng Bayan, ang paulit-ulit na pagtatanggal ng mga post na nagpaparangal sa pamana ni Sison, na ang buhay at mga gawa ay itinampok sa mga klase sa kasaysayan at mga aklat-aralin, ay sumasalamin sa mga sistematikong pagsisikap ng mga troll na pinondohan ng estado na burahin ang kahit anong bakas ng online na hindi pagsang-ayon.

Inilalantad din anila nito kung paano arbitraryong ginagamit ang tinatawag na mga pamantayan ng komunidad ng Facebook upang patahimikin ang mga aktibista at rebolusyonaryo.

Malamang anila, ang pagtanggal ng kanilang mga post ay naka-link sa listahan ng Facebook bilang Dangerous Individuals and Organizations gaya ng iniulat ng investigative news website na The Intercept.

“The list uncritically accepts the government’s definition of ‘enemies of the state’ which includes revolutionaries and public intellectuals like Sison,” anang Bayan.

Kamangmangan anila ang pag-aangkin na ang pag-censor ng mga post ay naglalayong isulong ang kaligtasan ng publiko kapag pinapayagan ng platform ang paglaganap ng mga post na nag-uudyok ng poot, pagkapanatiko, misogyny, at karahasan na nakadirekta laban sa mga aktibista, kritiko ng gobyerno, at maka-kaliwang grupo.

Ang algorithm ng Facebook ay itinuon anila laban sa mga grupong na-target ng red-tagging machinery ng gobyerno.

Ayon sa Bayan, kinokonsinti ng Facebook ang anti-kaliwang disinformation at hate speech sa ilalim ng ‘pagkukunwari ng pagtataguyod ng kalayaan sa pagpapahayag.’

Giit ng grupo, ang Facebook ay hindi lamang nagkasala bilang kasabwat sa paglelehitimo ng censorship; ito ay nagbibigay-daan sa pinsala at karahasang itinataguyod ng estado na nakadirekta laban sa mga aktibista.

Dapat anilang ibalik ng Facebook ang mga post na inalis nito at ang mga account na ini-restrict nito, suriin ang mga pamantayan ng komunidad at tiyakin ang proteksiyon ng mga indibidwal at grupo na nasa panganib na harapin ang mga paghihiganti ng estado.

Kung taos-puso anila sa pagpapahusay ng kaligtasan ng mga gumagamit ng Facebook, dapat nitong tugunan ang masasamang operasyon ng troll na nagkakalat ng kasinungalingan, poot, at karahasan laban sa mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Nananawagan ang Bayan sa mga gumagamit ng internet na labanan ang digital censorship sa pamamagitan ng paghamon sa hindi makatarungan at di-makatuwirang mga aksiyon ng Facebook.

Hinihikayat din nila ang mga kapwa Filipino at mga tagapagtaguyod ng digital rights na ipagtanggol at igiit ang aming kalayaan sa pagpapahayag sa gitna ng tumitinding pag-atake ng mga puwersa ng estado.

About Rose Novenario

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …