DAHIL sa lakas ng dating, pinag-uusapan, at ganda ng kinalabasan ng Nanahimik Ang Gabi, hindi naitago ni direk Lino Cayetano na ibahagi ang mga plano nila para sa Rein Entertainment para sa taong 2023.
Pinaplano na ang sequel o prequel ng Nanahimik Ang Gabi.
Opo, tama po ang basa ninyo. Hindi pa man naipalalabas sa December 25 bilang isa sa entry sa darating na Metro Manila Film Festival,heto’t pinaplano na pala ang kasunod ng pelikulang pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado na idinirehe ni Shugo Praico.
Ayon sa producer na direk Lino ng Rein Entertaiment natuwa sila sa positive outcome ng Nanahimik ang Babikaya naman ngayon pa lang ay pinaplano na nila ang sequel o prequel ng kanilang official entry sa MMFF 2022.
“We’ll wait for the box-office (results), but we’re already talking about a follow-up with Direk Shugo. The movie’s too good and it deserves a part 2 or part 3,” nakangiting pagbabalita ni Direk Lino nang makausap namin ito sa isang pananghalian.
“It’s been a while. I’m sure everyone is excited to watch movies in theaters again,” sambit pa ng direktor sabay nakiusap na sana’y panoorin ng lahat ng mga Pinoy ang walong entry sa MMFF 2022.
“Kaya ngayong Pasko, sama-sama tayong matawa, maiyak, matakot. at mabigyang inspirasyon sa iba’t ibang pelikula na dala ng MMFF. Atin pong ibalik ang tradisyon na pagtangkilik sa pelikulang Pilipino sa mga sinehan,” giit pa ni Direk Lino. (MVN)