Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Sara Duterte

Aiko feeling nasa Cloud 9 sa pagdalo ni VP Sara sa kanyang kaarawan 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IDINAOS kamakailan ni 5th District Councilor Aiko Melendez ang kanyang ika-47 kaarawan sa isang restoran sa Quezon City at star studded iyon bukod pa na pawang mga bigating personalidad sa politika ang bumati sa kanya.

Isa na ang ikalawang pangulong si Sara Duterte na sobrang ikinatuwa ng aktres/politiko dahil talagang naglaan iyon ng oras para magtungo sa kanyang birthday party para personal na mabati. Kaya naman napaka-espesyal ng birthday niyang iyon.

Naroon din ang mayor ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte na ayon nga sa sinabi nito, bagamat magkaiba sila ng partido ni Konsi Aiko (tumakbong independent ang aktres) ipinakita nito ang galing at husay sa pamamalakad kaya naman humanga siya rito.

Siyempre bukod sa mga malalapit na kaibigan at kasamahang politiko, nakadagdag-saya rin kay Aiko ang suporta ng kanyang love of her life na si Cong. Jay Khonghun at mga anak na sina Andre at Marthina.

Inamin naman ni Aiko na nasa cloud 9 siya sa pagdalo ni VP Sara. Sa post niya sa Instagram ng kanilang picture ni VP Sarah sinabi niyang, “Madam VP @indaysaraduterte Maraming salamat for coming to my party po. I am still in cloud 9. And thank you for staying long also (green heart emojis) Fangirling moment for me. 

“Finally!!! In one picture together. This is far my best birthday ever (green heart emoji) Vice President of Republic of the Philippines (green heart emojis)”

May post din si Aiko para kay Mayor Joy gayundin kina QC Vice Mayor Gian Sotto, Gov. Chavit Singson, at Sen. Bong Go.

Aniya “Thank you to my QC family especially to our @mayorjoybelmonte for coming and to Vice mayor @giansotto.

“And to my councilor friends for taking the time to celebrate with me (green heart emoji) Gov manong Chavit salamat po.”

“To my manager mader @ogie_diaz sis @sunshinecruz718 and sis @vina_morales thank you! To senator @senatorbonggo for the gift of friendship and salamat po sa lahat ng help mo sa akin po (green heart emoji)”

Inihayag ni Aiko na hindi niya malilimutan ang kanyang 47th birthday dahil sobra ang saya niya.

“Thank you sa inyong lahat sa inyong Presence. (green heart emoji)

“My heart is full. (folded hands emoji) Nice to see old friends in one night that I won’t forget.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …