Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joseph Marco Hanford

Joseph Marco handa nang tumodo sa pagpapaseksi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI kataka-takang inuulan ng indecent proposal si Joseph Marco. Sa matipunong katawan, gandang lalaki, hindi malayong marami talaga ang magnasa sa kanya lalo na ang mga rich gay community.

Pero sanay na pala sa ganitong indecent proposal si Joseph at hindi naman siya nagagalit sa mga ito bagkus naiintindihan niya kung saan sila nanggagaling.

Isa si Joseph sa game na game magpakita ng kahubdan kaya talagang marami ang magnanasa sa kanya. Pero hindi na lang ito pinapansin ng bagong celebrity endorser ng Hanford, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang undergarment brand.

Si Joseph nga ang bagong napiling celebrity endorser ng Hanford na idinaos ang contract signing-presscon noong Dec. 15, 2022 sa Hanford Head Office sa QC, sa pangunguna nina Mansfield International, Inc. executives Victor Te, President; Sincerely Te, Vice President; Sheena Anne Te, Executive Vice President; at Ma. Theresa S. Benedicto, Sales and Marketing Manager.

Sagot ni Joseph ukol sa indecent proposal, “For example, if people message you on Instagram and they see your work, it’s like they respect you. Like they see that ‘okay, this guy is a decent person,’ so I rarely get those kind of proposals.

First underwear endorsement pala ng aktor ang Hanford at bironiya, “finally, pinayagan na ako ng parents ko to do underwear endorsement.”

At hindi itinagong excited siya sa endorsement na ito. “I’m so excited kasi I feel like this is the perfect time to do an underwear endorsement.”

At dahil may mga billboard na ang aktor na nakasuot ng Hanford underwear, natanong ito kung handa na siya sa mas daring roles.

“Now, I’m not fearless now,” aniya. “Bring it on,” bulalas pa niya.

At nang matanong kung hindi ba magseselos ang girlfriend sa paggawa niya ng maseselang eksena, iginiit nitong napaka-supportive ng kanyang karelasyon.

“And I guess you know, if you have a blue eyes, and then, I look like that, bakit magseselos ka? You know, she’s a living doll,” katwiran ni Joseph na ang tinutukoy ay ang Russian model girlfriend na si Dasha Romanova.

Natanong naman ang mga Hanford boss kung bakit si Marco ang napili nilang maging endorser.

Anila perfect si Joseph na kumakatawan sa qualities ng Hanford.

“Joseh who stands out with his awesome good looks, embodies the qualities of a Hanford man who is healthy, physically fit and a well-rounded person,” ani Benedicto.

Sinabi pa nitong passionate at hardworking sa trabaho si Joseph kaya complete package ito ay tunay na may ‘K’ maging endorser ng Hanford.

“He is a talented singer-dancer and a fashionable, energetic commercial model. The TV hunk also exudes confidence as he is comfortable in his own skin,” sey pa ng Hanford execs.

At dahil sa maganda at matipunong pangangatawan ni Joseph, ipo-promote ng aktor ang Hanford premium collection na ginagamit ang mga makabagong top-of-the-line technology at magagandang materyales na akma para sa mga koleksiyon nitong briefs, boxer briefs, boxer shorts, shirts, at sandos. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …