Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Ian Veneracion Lino Cayetano

Heaven bakit nga ba unti-unting ‘bumigay’ kay Ian?

TOTOO nga palang nagdalawang-isip si Heaven Peralejo na tanggaping ang Nanahimik Ang GabiMetro Manila Film Festival 2022 entry ng Rein Entertainment ayon na rin sa kuwento kapwa ng direktor nitong si Shugo Praico at isa sa producer na si Lino Cayetano.

Ayon sa kuwento nina direk Shugo at direk Lino, muntik na talagang hindi tanggapin ni Heaven ang pelikula dahil sa mga love scene kasama si Ian Veneracion.

“She wanted to make sure that we were aligned, ‘yung vision, kung anong klaseng pagpapa-sexy at maturity ang gagawin niya sa eksena kasi sabi nga niya, it would be unfair kung hindi niya magagampanan ang role niya sa script,” paliwang ni direk Shugo  nang makatsikahan namin ito sa isang lunch sa SuperSam.

Kaya naman  ipinakita nila ang kompletong presentation kay Heaven at tiniyak nilang magka-align sila ng vision.

“Ang naging assurance rin ni Heaven, noong nakita niya na grabe ‘yung pagpaplano ni direk Shugo,” sabi naman ni direk Lino.

Ipinaliwanag pa ni direk Lino na naka-drawing bawat eksena ng kanilang pelikula at ipinakita rin nila iyon kay Heaven. Na tiyak nakadagdag pang-alis alalahanin sa aktres.

“’Yung buong pelikula, naka-storyboard. Para lang hindi ma-preempt, pero after the MMFF, siguro  ipalalabas namin, ipakikita namin.

“Kasi, napakaganda. Kaya kapag pinanood mo, parang moving painting talaga,” pagmamalaki pa ni direk Lino.

Naku sa kuwento pa ang ng dalawang direktor nae-excite na kami. Kasi naman kilalang magaling talaga kapwa sina direk Shugo at direk Lino kaya naman sure hit ang bawat proyekto na ginagawa nila.

At bagamat bagong tambalan ang Ian-Heaven, tinitiyak nina direk Shugo at direk Lino na marami ang magkakainteres na panoorin ang dalawa. “Parang ‘pag pinanood mo, kita mo na si Heaven, dahan-dahang bumibigay. Kasi alam mong hindi siya umaarte. Kasi, part niyon hindi siya established actor, parang napaka-fresh,” pagmamalaki pa ni direk Lino.

Ang freshness at pagiging raw pa ni Heaven ang nagustuhan nila sa batang aktres kaya naman talagang ito ang naisip nilang gumanap katambal ni Ian. At wala silang ibang naisip na aktor kundi sina Ian, Heaven, at Mon para gumanap sa kanilang pelikula.

Hindi rin nga raw nila inaasahan na marami pa palang ibibigay si Mon. Kaya naman sobra-sobra silang bumilib sa aktor. 

“Silang tatlo po talaga ‘yung sa tingin namin ay bagay na bagay sa role,” dagdag pa ni direk Shugo. 

Tiniyak naman ni direk Lino na sa taong 2023 magpu-full blast ang Rein Entertainment lalo’t kasama rin nila ang isa pa sa masigasig na producers nito, si Ms. Carol Lopez.

Showing na ngayong Dec. 25 ang Nanahimik ang Gabi sa mga sinehan. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …