Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gold Aceron

Gold nainip sa career kaya nag-bold

RATED R
ni Rommel Gonzales

KILALA si Gold Aceron bilang artistang hindi nangingiming gumawa ng mga daring scene sa pelikula. Tulad ng sa Metamorphosis na may frontal nudity siya. Bakit at the beginning of his career ay napapayag siya agad na maging daring sa mga project niya?

“Kasi ang tagal ko nang nag-start. I was eight po noong nag-start ako sa film industry, extra pa lang po, padaan-daan, pa-guest-guest.

“Parang noong dumating ‘yung time na ibinigay sa akin ‘yung audition ng ‘Metamorphosis, before niyon napaisip na ako ilalaban ko na ‘to kasi hindi naman siya ka-grabe and intersex siya. Napakalaking bagay na malaman ng mga tao, which is kahit nga po ako hindi ko po siya alam noon. Sabi ko, ‘Ano po ‘tong intersex?’

“Twenty one na ako noon. So noong nalaman ko siya sabi ko, ‘Ay grabe iba ‘to! Baka kung saan ako madala nito.’

“And salamat sa Diyos, iba nga po ‘yung naibigay niyang (movie) tulong sa akin. Sobrang thankful po ako kay God sa lahat ng blessings, after niyong tinanggap ko ‘yun, parang after niyong next project ko, parang sinabi ilalaban ko na lahat, kasi ‘yun din naman eh. ‘Yung iba nga nagbi-billboard pa ng nakahubad, ako pa kaya, at saka lahat naman tayo nasa sarili natin kung ibibigay mo ba or ayaw mong ibigay eh. Ako kasi ‘yung tipo ng tao na ibibigay ko,” ang mahabang paliwanag ni Gold.

Matapos ang Metamorphosis, hanggang saan pa ang kayang ibigay ni Gold sa pagiging daring?

“Depende kasi kung saan aabot ‘yung pinakarurok ko, feeling ko hindi natin masasabi pero depende po siya, kung ano po ‘yung maibigay sa akin at the time na ‘yun kung ano man ‘yun. 

“Nandoon siya eh, nandoon ‘yung desisyon ko kung o-oo ako o hindi, ang hirap lang pong banggitin ngayon kung ano ‘yung desisyon ko, kasi mahirap na, baka hindi ko mapanindigan.”

Samantala, mapapanood ang Dick Talk sa April 14 (Critic/Preview night) April 15, April 16, April 18, April 19,April 20,April 21, at April 23 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City. Gaganap dito si Gold bilang si Gaylord Salvador Jr. o Junjun, kasama si Jake Cuenca bilang si Peter North Tevez.

Ang Dick Talk ay ididirehe ni Phil Noble at produced ni Eboy Vinarao. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …