SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKAISKOR ang dating PBB housemate na nagmula sa New Zealand na si Franki Russel nang purihin at magustuhan ng mga nanood ng Laruan ang karakter na ginamnaman niya.
Kitang-kita kasi ang laki ng improvement sa acting ni Franki mula sa Pabuya, unang pelikula niya sa Vivamax, dito sa Laruan.
Bumagay kasi ang role ni Franki na bida-kontrabida na asawa ni Jay Manalo na isang painter. Isinulat at idinirehe ito ni Yam Laranas na talagang inalagaan si Franki bilang si Camille na misis nga ni Jay at kabit ni Kiko. Isa siyang domineering at manipulative woman kina Jay at Kiko.
Palaban din si Franki sa pagpapakita ng kaseksihan tulad ng nakita sa una niyang pelikula. Kaya naman todo-puri sa kanya si Kiko.
Bagamat malayo sa tunay na pagkatao ni Franki ang ginampanan niyang papel at aniya nga’y hindi siya maka-relate, nabigyan niya ng justice ang karakter bilang si Camille.
Sinabi pa ni Franki na noong una mas gusto niyang gawin ang mga romantic role. “‘Yung sweet love story like ‘The Notebook’. I never thought I could play a challenging role like this. But doing it is so much fun kasi it bring out a side of me, that mean streak I’m not even aware of.
“I’ve seen some of Direk Yam’s past movies and I like them so I felt I just have to be a part of this new film of his. I just fully trusted him and I think he’s able to bring out the best in me,” sambit pa ni Franki.
Ang Laruan ay ibang-iba sa karaniwang pelikula ni direk Yam kaya tiyak kung nasusundan ninyo ang mga pelikula niya, maninibago rin kayo.
“So yes, iba ito sa past works ko but the story is actually very simple. It’s about characters who cheat on love. Iniba ko lang kasi I made an effort to get into the mind of my characters.
“I’ve already written the script but when I got the cast, I have to rewrite it to tailor the roles on the actors who will play them. My object is to get good performances from the entire cast and I’m glad we pulled it off,” aniya pa.
Mapapanood na ang Laruan sa Vivamax simula sa December 16.