Thursday , November 14 2024
Noel Trinidad Family Matters

Noel Trinidad baka last hurrah na ang Family Matters — One reason is my hearing problem

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 AMINADO si Noel Trinidad na mahina na ang kanyang pandinig kaya naman posibleng ang Family Matters na ang huli niyang pelikula. Pero, enjoy pa siyang gumawa at iginiit na magtatagal pa siya sa movie industries.

Sa ginanap na mediacon ng Family Matters, entry ng Cineko sa 2022 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula December 25 naibahagi ni Ka Noel, 81, na naging running joke na nila ang, ‘ano raw?’  

This is one of the difficulties I had while we were shooting,” pag-amin ng veteran actor. “Naging running joke na nga eh kasi the director would come ot us and explain. Tapos pagkatalikod niya, sasabihin ko, ‘ano raw?”

Idinagdag pa ni Ka Noel na, “It was frustrating for me but at the same time, roon mo makikita ang samahan namin. They were patient with me and helpful. We love one another. We had fun doing it, in spite of my hearing problem, because of these guys.”

Sinabi pa ni Ka Noel na nahirapan din siya sa schedule ng shooting dahil malayo ang bahay niya sa set. Pero dahil masaya ang samahan nila sa set, at parang isang malaking pamilya, naiibsan iyon. 

During breaks, mayroon kaming sayawan. Nakasama na nga ako sa TikTok at kung ano pa ang itinuturo nila sa akin. Kahit na mahirap ang saya-saya namin,” kuwento pa ng aktor.

Naibahagi pa ng veteran actor na madalas silang magkantahan ni Liza Lorena, na gumaganap na asawa niya. “Nagko-contest kami. O, eto alam mo? I would sing one and then I would sing another. While we were dancing. They were doing it in a modern dance. So that’s what we do while waiting for the scenes.”

At nasabi ni Ka Noel na, “Palagay ko magtatagal pa naman ako ng kaunti. i always say ito na siguro ang last hurrah for me. One reason is my hearing problem. If this will be my last hurrah, this will be a terrific honor to have this as my last hurrah.”

Ang Family Matters ay hatid ng ng gumawa ng Metro Manila Film Festival box-office hit na Miracle in Cell No. 7, ang isa pang pelikulang kukurot sa puso at magbibigay ng inspirasyon at saya sa buong pamilya.

Sina director Nuel Naval at writer Mel Mendoza-del Rosario ay muling nagtambal  para sa light family drama na Family Matters, isang produksiyon ng Cineko Productions. Tampok sa pelikula ang bigating all-star cast na bukod kina Noel at Liza  kasama sina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo, at introducing, Ian Pangilinan.  

Ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang may edad na sina Francisco at Eleanor, at ang kanilang mga anak: ang successful na panganay na si Kiko; ang homemaker na si Fortune, ang single pa rin na si Ellen, at ang happy-go-lucky na si Enrico. Nabulabog ang kanilang buhay nang magdesisyon si Ellen (na nag-aalaga sa kanyang mga magulang) na magtungo sa US para subukang hanapin ang kanyang pag-ibig doon. Mababahala ang mga magkakapatid sa pag-alis ni Ellen at maghahali-halili sila sa pag-aalaga sa kanilang mga magulang, lalo na sa sakiting si Francisco.

Dahil sa mensahe ng pelikula, inapruban agad nina Mayor Enrico Roque at ng mga executive ng Cineko ang pitch nina Mel at Direk Nuel. Sakto sa panlasa ng Cineko ang family-oriented movie. “Family drama ang kanilang hinahanap dahil matagal nang walang nagpo-produce ng ganito,” paliwanag ni Mel. “Nang mabasa ang script, nagustuhan agad. Halos walang comment. Binigyan kami ni Nuel ng kalayaan sa pagpili ng mga artista at sa paggawa ng pelikula.”

Matagal nang naisulat ni Mel ang Family Matters. Taong 2018 nang nagsimula siya at si Direk Nuel na maghanap ng producer, hanggang napunta ang script sa CineKo nitong 2022. “Para sa akin, ito ang tamang panahon para sa ‘Family Matters,’” sabi ni Direk Nuel. “Dahil sa pandemic, na-realize natin na napakaikli ng buhay. Kaya’t dapat sulitin ang mga araw na kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay. Bigyang halaga ang ating mga mahal sa buhay hindi bukas… kundi ngayon,” pagdiin pa ni Direk Nuel. 

Marami ngang nag-aabang sa pelikulang ito. Sa loob lamang ng iilang araw, nakakuha ang trailer ng Family Matters  na ng 35-million+ views sa iba’t ibang platforms.

Ayon kina Mel at Direk Nuel, maski ano pa man ang edad, kasarian, o social status, makare-relate ang bawat isa sa atin sa mga karakter sa pelikula. “Maraming light and funny moments… Totoong nangyayari sa pamilya. Ito ang ang kuwento ng bawat pamilyang Filipino.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …