PINIRMAHAN na ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang memorandum of agreement (MOA) para sa Bohol Tourist Rest Area.
Ito ang ika-6 na Tourist Rest Area na inilunsad ng DOT mula noong Oktubre 2022 at iba pang TRA groundbreaking ceremonies na naunang ginanap sa Manolo Fortich, Bukidnon; Isla ng Samal, Davao; Medellin, Carmen, Cebu; at Baguio City.
Layon nitong matulungan ang local government units (LGUs) sa lalawigan na tuluyang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkakalugmok sanhi ng pandemyang CoVid-19.
Kasama ni Frasco sina Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado at LGU officials at iba pang opisyal ng DOT. (GINA GARCIA)