I-FLEX
ni Jun Nardo
TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky girl sa buhay ng alaga niyang si Paolo Contis.
Matagal nang natsismis sina Paolo at Yen at dahil sa kanila eh nauso sa showbiz ang linyang “as a friend.” Pero never umamin ang dalawa sa relasyon nila kahit nakagawa na sila ng movie sa abroad.
Eh nanay na rin ang turing ni Paolo kay Manay kaya hindi ito puwedeng maglihim sa kanya. Lalaki ang alaga at guwapo kaya kung magkaroon ng bagong babae sa buhay niya, wala na naman siyang sabit, huh!
Yes, Paolo and Yen are in a relationship!