MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit Solis ang larawan nila ng kanyang alaga na si Paolo Contis, na kuha sa kanyang ospital room, nang bisitahin siya ng aktor kamakailan.
Post ni Manay Lolit, “Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa picture lahat sa room, kalokah!”
Aniya, infairness naman lahat ng alaga niya gaya ni Paolo ay very friendly kaya ok lang sa mga ito ang magpa-picture taking at pagkaguluhan ng kanilang fans.
Hanga rin si Manay Lolit sa physique ngayon ni Paolo dahil fit na fit ang aktor.
“Mukhang very stable siya ngayon. Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kanya,” sey pa ng talent manager/kolumnista.
Dagdag pa niya, “At palagay ko ito ang inspiration na matagal nang hinihintay ni Paolo Contis. Clue Salve at Gorgy, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos. Bongga!”
Although masaya si Manay Lolit na naaalala siyang dalawin ng kanyang mga alaga sa ospital, pero hanggat maaari ay ayaw niya sana.
“Actually , parang gusto ko maiyak pag nakikita ko sila sa room ko sa dialysis treatment. Alam ko na puno din sked nila pero isinisingit parin nila ang pagdalaw sa akin.”