MATABIL
ni John Fontanilla
NAKAMAMANGHA ang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe na si Rey Paolo Ortiz dahil imbes na i-enjoy ang napanalunang pera na $2,000, mas pinili nitong ibahagi ang napanalunan sa kanyang mga nakalaban at ang natira ay ibinigay naman sa charity.
Masaya si Paolo na nakuha niya ang title at ilang special awards tulad ng Best in talent, Flower Prince of The Night during semi finals, at Flower king during coronation at Peolople’s Choice Award / Social Media Award, kaya ibinahagi na lang nito ang kanyang napanalunan sa mga katunggali.
Sa edad na 12, napakatalino nito, napaka-galang, guwapo, at-talented na namana niya sa kanyang parents na sina Dr. Paul at Dr. Jen Ortiz.
At bilang Prince Tourism Ambassasor Universe 2022, ipo-promote niya ang magagandang lugar sa Pilipinas. “Bilang Tourism Ambassador ipapasyal ko sila sa 8 Wonders of the World, sa Banawe Rice Terraces pati na rin sa Boracay at sa Palawan.”
Isa sa pangarap ni Paolo ay maging sikat na singer katulad ng kanyang hinahangang rapper na si Andrew E at sikat na aktor na si Daniel Padilla. Para kapag sikat na siya, siya na mismo ang magpo-promote at mag-e-endorse ng kanilang negosyo, ang Ortiz Group of Skin Clinic.
At sa kanyang tagumpay sa 2022 Prince Tourism Ambassasor Universe, may mga tao itong gustong pasalamatan na siyang tumulong sa kanyang laban tulad nina Ayen Castillo ng Aspire Philippines, Supremo ng Dance Floor & actor Klinton Start, atmodel Rajan Paguio na nag-train sa kanya sa Q and A, talent, at pagrampa at lalong-lalo na sa kanyang very supportive parents na sina Dr Paul at Dr. Jen.
Alay ni Paolo ang kanyang pagwawagi sa kanyang amilya at sa sambayanang Filipino.