Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe

Lovi Poe Supreme actress ng ABS-CBN

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUPREME Actress ang taguri ngayon kay Lovi Poe. Mapa- live shows, mediacons, screening at lahat ng live events, ito na ang itinatawag sa kanya. Supreme naman talaga siyang maituturing dahil magaling at isa siyang tunay na aktres, sa totoo lang.

Sa mga proyektong ginagawa niya sa bakuran ng ABS-CBN at sa mga darating pa karapat-dapat lang siyang tawaging Supreme Actress. Sa mediacon na in-organize ng Dreamscape para sa aktres, nabanggit nitong may naka-line up na siyang teleserye para sa 2023. In fact, aniya nakipag-meeting na siya sa production team ng nasabing still undisclosed project.

Tiyak na singlaki o mas malaki pa sa Flower Of Evil ang next project ni Lovi sa ABS-CBN. Makatrabaho na kaya ni Lovi ang mga aktor na binanggit niyang dream co-actors niya sa bago niyang show na sina Coco MartinJM de Guzman, at Daniel Padilla

Well, ‘yan ang ating pakaaabangan.

Samantala, sa loob ng ilang taon niya sa showbiz, consistent sa pagpapakita ng professionalism si Lovi. Mapa-GMA 7 o ABS-CBNman, hindi matatawaran ang ipinakikitang professionalism nito. Bukod sa nasa dugo na niya ito, siya lang naman ay ang anak ng Hari ng Pelikulang Filipino, si Fernando Poe Jr.. 

Maayos din naman ang naging pagpapatakbo ng career niya ng mga taong nasa likod nito. Kumbaga, maayos ang pagpapalaki kay Lovi ng kanyang management. Walang anumang isyung maibabato kay Lovi pagdating sa professionalism.

Sa pagiging likas na matalino ng aktres, maayos na naipahahayag ni Lovi ang kanyang sarili, ang kanyang saloobin at opinyon sa mga mga isyu. Isa na rito ang salitang utang na loob. Sa bawat interview niya, hindi niya nakalilimutang pasalamatan ang mga taong naging tulay sa kanyang kasikatan. Nariyan ang kanyang manager, GMA 7, fans, media, at ngayon nga, ang ABS-CBN dahil sa pagbibigay sa kanya ng magandang pagkakataon na magawa ang mga proyekto para sa kanyang career growth.

Ang pagiging mabait at professional ni Lovi ay hinahangaan din ng kanyang mga katrabaho. Bagamat isang taon na pa lang si Lovi sa ABS-CBN, ang mga Kapamilya actors na sina Piolo Pascual, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, JC de Vera at iba, ay may magagandang nasasabi sa aktres. 

Sina Piolo at Paulo ang ilan sa mga aktor na pangarap niyang makatrabaho na, nagkaroon na ng katuparan. Kasama niya ang mga ito sa hit thriller na Flower of Evil. Nakatrabaho na rin ni Lovi si Zanjoe sa iWantTFCmovie na Malaya  na umani si Lovi ng mga papuri dahil sa kakaiba at magaling na pag-arte na ipinakita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …