Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janice de Bellen Maricel Soriano

Sakit ng sampal ni Maricel walang makatatalo  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Janice de Bellen sa Wala Pa Kaming Title vlog, ikinuwento niya ang malakas at masakit na sampal sa kanya ni Maricel Soriano sa isang eksena ng pelikulang pinagsamahan nila noong 1988, ang Babaeng Hampaslupa. Gumanap sila rito bilang magkapatid.

“Nasubukan niyo na bang masampal ni Maricel Soriano?” sabi ng natatawang si Janice.

“May eksena kami sa ‘Babaeng Hampaslupa.’ Kami ni Rowell Santiago, galit siya (Maricel).

“So talagang, alam mo ‘yung dalawa kayong nasampal sa isang sampal?” pagbabalik-tanaw ni Janice.

Ang eksenang sinasabi ni Janice, ay noong malaman ni Maricel na nabuntis ng dati niyang boyfriend na si Rowell Santiago ang karakter ni Janice.

Masakit para sa kanya na malaman na after ng relasyon nila ni Rowell, ay si Janice, na kanyang kapatid ang sumunod na minahal nito.

Ayon pa kay Janice, sobrang nadala si Maricel sa eksena na ang sampal nito sa kanya ay umabot kay Rowell.

“Kasi galit na galit siya! Kapag sumampal pa naman si Maria… kasi kahit maliit siya, she’s very strong..

“Eh, ‘yung eksena niya galit na galit siya. So up na up ‘yung energy niya.”

Sabi pa ni Janice, dalang-dala si Maricel sa eksena dahil nasaktan siya.

“Pero in fairness, wala kaming problema sa pag-iyak after noon kasi ang sakit.

“Pero may pula talaga sa mukha.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …