SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI ikinaila ni Ciara Sotto na nagkaroon siya ng trauma sa pag-ibig dahil na rin sa nangyari sa kanila ng dating mister na si Jo Oconer. Nahiwalay si Ciara sa kanyang mister noong 2016 kaya naman talagang super ingat na siya kapag pag-ibig na ang pag-uusapan.
Napawalang-bisa ang kasal nina Ciara at Jo noong 2019 na nabiyayaan ng isang anak, si Vincenzo Xose o Crixusna pitong taong gulang na ngayon.
Sa media conference ng bagong show nila nina Ruffa Gutierrez at Mariel Padilla, inamin ni Ciara na, “Mayroon pong trauma, mayroon po talaga. Kaya nag-iingat po talaga ako. Ayoko ng biglaan or. . .ayoko ng basta-basta, ‘di ba? ‘Yung nakilala mo lang. Kasi may trauma po talaga ako.”
Nang tanungin kung ano ang mga requirement niya sa isang lalaki para mahalin niya, sinabi ni Ciara na, “mabait, matino, mamahalin ang anak ko at magugustuhan ng family ko. ‘Yun lang.”
Hindi naman sure si Ciara na gusto niyang makasal muli. “I really don’t have an answer to that, I don’t know,”sambit pa niya na ngayon ay happy na single at iginiit na hindi totoo ang tsismis na may namamagitan sa kanila ni James Yap.
“Nakakahiya roon sa tao, may pamilya. Kaya wala po talagang katotohanan,” giit pa ni Ciara.