SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PANALO ang mga tututok sa bagong handog ng Vivamax dahil dalawang reyna nila ang mapapanood, sina AJ Raval at Angeli Khang sa US X HER na isang psychological drama kasama si Kiko Estrada at idinirehe ni Jules Katanyag.
Parehong nagpakita ng galing sa pag-arte at kaseksihan sina AJ at Angeli na bagamat mga reyna ng Vivamax ay hindi namin nakita ang pagpapatalbugan.
Sa totoo lang, nagbigayan ang dalawa at nagsuportahan na makikita sa pelikula.
Ginagampanan nina Angeli at AJ ang role nina Lila at Mari na nagsalo sa iisang lalaki at kalaunan ay sila ang nagkagustuhan hanggang sa pagsaluhan na rin nila si Kiko.
Tiyak na matutuwa ang mga manonood dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikitang pinaliligaya nina AJ at Angeli ang isa’t isa. May pagkakataon pa ngang kung ilang beses nagsarili si Angeli sa pelikula.
Magugulat lamang ang viewers sa kakaibang estilo ni direk Jules sa pagdidirehe dahil iba-ibang ending ang ipinakita at ibang estilo ng paglalahad ng istorya.
Paliwanag ni direk Jules, inspired ang pelikula niyang Us X Her sa classic movie ng Viva, ang Sinasamba Kita.