Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prostitution

5 bebot naisalba vs ‘drive-thru’ prostitution,  bugaw timbog

NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division ang limang kababaihan, kabilang ang dalawa pang menor de edad, at inaresto ang isang lalaki na sinasabing nagbubugaw sa kanila sa Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Mark Abungcay, ayon sa NBI ay ibinubugaw ang mga biktima gamit ang ‘online menu’ na may mga larawan nila.

Ayon kay NBI spokesperson Atty. Gisele Dumlao, kapag may natipohan ang customer ay para aniyang nagkakaroon ng ‘drive thru.’

Daraanan ng mga kostumer ang mga biktima sa isang lugar at saka inadala sa hotel.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa mga posible pang kasabwat ng suspek sa sex trafficking operation sa lalawigan.

Nakatakdang sampahan ng kaso para sa online sexual abuse and exploitation of children, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, and Child Abuse Law ang nadakip na suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …