Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation Commercial Center, sa West Avenue, Quezon City kamakailan sa pangunguna ng CEO & president nitong si Loiegie Dano-Tejada kasama  ang mga business partners na sina Vice President Leslie Tobia-Intendencia, Marketing Manager Gerry DeVera Gascon, at Marketing Director Benjardi Ante Raguero.

Ang commercial center sa Westria Residences ang  magsisilbing main office ng Ms L’s  and at the same time ay school (International Beauty Guru Academy) para sa mga Pinoy na gustong matutong mag-tattoo at semi-permanent make up. 

At sa pagdaan ng mga buwan ay mas mubilis ang paglago ng kanilang negosyo at lalo pang dumarami ang mga taong tumatangkilik sa kanilang mga produkto at gayundin ang kanilang mga distributor sa buong Pilinas.

Sa taong 2023 ay go international na ang Ms L’s ayon kay Ms Loiegie at Ms Leslie dahil may mga kausap na sila sa Amerika at karatig Asya.

Prioridad ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation ang health benefits na makukuha ng bawat Filipino sa mga produkto nila at para na rin matulungan nilang kumita, umasenso, at gumanda ang buhay ng kanilang distributors.

Ilan sa mga produkto ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation na malaking tulong sa magandang kalusugan ng bawat Pinoy ang Bihaku Slimming and Whitening Capsule, Ketodiet Slimming and Whitening Juice, Insulin Instant Coffee Mix Drink, Barley Slimming and Whitening Juice Drink, at Rejuvinating Set.

May mga ambassador na ang Ms L’s at ilan dito ay mula sa kanilang mga distributor pero soon ay nagbabalak din silang kumuha ng celebrity ambassadors at ilan sa kanilang napupusuan sina Marian Rivera- Dantes, Lovi Poe, at Derek Ramsey.

Ani Ms Leslie, “Si Marian kasi maganda na, magaling na endorser at gusto ko ring ma-try niya ang product namin.

“Si Lovi, gusto ko siya, magaling din siyang endorser at marami ang nagsasabi na may resemblance kami.”

At sa paglaki ng Ms L’s dapat abangan ang kanilang mga bagong healthy products na ilalabas by 2023.

Para sa mga interesadong maging distributor ng mga produkto ng  Ms L’s Beauty and Wellness Corporation at mag-aral bisitahin ang kanilang social media account o bumisita sa kanilang main office sa Westria Residences, 77 West Avenue Quezon City 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …