I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPAALAM na si Charo Santos sa tagasubaybay ng programa niya sa ABS CBN na Maalaala Mo Kaya matapos ang mahigit tatlong dekada sa ere.
Pinasalamatan ni Charo ang lahat ng letter senders, director, artista at iba pang naging bahagi ng programa.
“Ito po si Charo Santos, ang inyong tagahanga at tagapagkuwento,” bahagi ng video ng pamamaalam ni Charo na naka-post sa social media page ng ABS-CBN News.
Samantala, ang kalabang programa ni Mel Tiiangco sa GMA ay pumasok na sa 20th year nito sa Kapuso Network this month.
Nag-iisa na lang sa trono ni Tita Mel, huh!