MA at PA
ni Rommel Placente
NATUTUWA si LA Santos na marami siyang natutunan sa mga kasamahan niyang sina Iza Calzado at Jodi Sta sa unang seryeng ginawa niya sa ABS-CBN, Ang Sa Yo Ay Akin mula sa ABS-CBN.
Sabi ni LA, “Actually, dahil po sa pandemic, doon nag-start ang acting career ko.
“Roon po ako sobrang forever grateful, eh, sa ‘Ang Sa ‘Yo Ay Akin.’
“Kasi roon ko po nakasama sina tita Maricel (Soriano), si Miss Iza, Miss Jody, si Sam (Milby). Parang dahil sa kanila, nakita ko po kung paano dapat ang ugali ng isang artista.
“Lalo na si Miss Iza, love, love lang po talaga si Miss Iza.
“Natutunan ko po sa lahat ng mga taong nakasama ko po, sa lahat ng mga nakahalubilo ko po, na dapat i-share ‘yung love.”
Noong una, ang talagang pangarap lang ni LA ay makilala bilang singer. Na gaya rin ng gusto ng kanyang mommy Flor.
Ipinaliwanag ni LA kung bakit naisipan na rin niyang subukan ang pag-arte.
“Actually, noong una nga po medyo nagdadalawang-isip pa ako sa acting.
“Pero noong pumasok na ako sa acting, na-inlove po ako. Sobra!
“Na-inlove po ako, na parang napunta ako sa ibang mundo. Parang ganoon po.”
Pagkatapos ng Ang Sa Yo Ay Akin, inilagay naman ng ABS-CBN si LA sa Darna, na pinagbibidahan ni Jane de Leon.
Sobrang thankful din siya siyempre na napasama siya sa Darna.
Kamusta naman ang samahan nila sa set ng superhero series?
“Sobrang family po kami sa Darna,” sagot ni LA. “‘Pag naiisip ko nga po ang ‘Darna,’ parang naiiyak ako.
“Kasi ang naa-appreciate ko kina Jane, Joshua (Garcia), Janella (Salvador), ‘yung parang ano po, parang nagtutulungan kami paangat.
“Wala kang mararamdaman na mas mataas si ganyan. Lalo na si Janella, parang sister na kami.”
Ang ibig sabihin ni LA walang may star complex sa mga kasamahan niya.
Kahit nag-aartista na si LA, tuloy pa rin naman ang kanyang music career.
“Never ko pong bibitawan ‘yung music ko. Ano po ‘yan, eh, ‘yung music ‘yung reason kung bakit nandito ako sa showbiz po.
“Kaya kahit po naka-focus ako sa acting ngayon, umaarte na ako, ayoko pa rin pong mawala talaga ‘yung music ko.
“Lalo na ngayon, ako po ‘yung kumanta ng themesong ng ‘Darna.’
“Kumbaga, acting pa rin po talaga. Pero ‘yung pagiging singer ko, pogi points na lang, parang ganoon.
“Parang pang-mall shows na lang,” natatawang sabi pa ng gwapong bagets.