Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Showbiz Caravan Cignal TV5

Showbiz Caravan ng Cignal tuloy ang saya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BILANG pagdiriwang sa nalalapit na grand finale ng mga programa ng Cignal Entertainment sa TV5, magtitipon-tipon ang mga bigating celebrities sa iisang entablado para sa ikalawang Cignal Entertainment Showbiz Caravan na more fun at prizes ang naghihintay para sa mga viewer.

Nagsimula kahapon, Nobyembre 17 at magtatapos ng Nov. 19, magkakaroon muli ng interactive showbiz caravan ang Cignal Entertainment pero this time sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan. Iha-highlight ng event na ito ang mga upcoming finales ng comedy programs Oh My Korona at Kalye Kweens, ang movieserye na Suntok Sa Buwan at ang grand finals ng bidaoke kantawanan ng bayan Sing Galing at Sing Galing Kids.

Kaya naman kahapon pa lang ay  inimbitahan na ang mga mallgoer  sa Pasko-Oke Celebrity Bazaar na magbebenta ng pre-loved items galing sa celebrities gaya ni K Brosas. Bahagi ng mga naipon dito ay ido-donate sa mga bata ng National Children’s hospital and kay baby Aaron na isang 7-year-old patient na may Acute Lymphoblastic Leukemia.

Para sa main event na gaganapin sa Nobyembre 19, pagsapit ng 2:00 p.m. ay magniningning ang stage dahil sa performances nina Elijah Canlas, Paulo Angeles, Awra Briguela ng Suntok sa BuwanAlma Moreno, Marissa Sanchez, Giselle Sanchez ng Kalye Kweens, Poo, Queenay at Jessie Salvador ng Oh My KoronaRandy Santiago, K Brosas, Mari Mar, Singtokers Gab, Daniel, at Zendee ng Sing Galing.

Pumunta na sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan ngayong weekend at makisaya sa exciting na all-in one mall show, fancon at bazaar. Huwag palampasin ang tsansang manalo ng bonggang papremyo galing sa Cignal at event presentor Brilliant Skin Essentials at maging parte ng Now Zending Kidz Livestream na magsisimula ng 5:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …