RATED R
ni Rommel Gonzales
HANGGA’T kaya, pagsasabayin ni Aiko Melendez ang politika at pag-aartista.
“Mahirap pero kasi kung gugustuhin mo ang isang bagay eh may paraan. At saka the reason why I’m going back to showbusiness din, kasi hindi ko naman pinagkakakitaan ang politika, eh.
“Ang showbusiness kasi is my bread and butter and this is where I get my money to spend na kung anong gusto kong bilhin, kung mayroon akong goal dito ko kinukuha.
“So kaya kailangan ko ring bumalik sa showbiz. In fact, nag-post ako sa Facebook ko dati, nagpaalam naman ako sa mga constituent ko na sana payagan nila ako kasi ‘yung half naman ng kikitain ko rito eh pangtutulong ko rin naman ‘yun, para sa kanila rin.”
Female lead si Aiko sa Mano Po Legacy: The Flowers Sisters ng GMA na apat silang bidang Chua sisters; si Aiko bilang si Lily, si Thea Tolentino bilang Dahlia, si Angel Guardian bilang si Iris, at si Beauty Gonzalez bilang si Violet.
At bilang public servant, tila walang kapaguran si Aiko sa pagseserbisyo sa mga constituent niya bilang konsehala sa 5th District ng Quezon City.