MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAPASALAMAT ang dating homegrown talent ng GMA 7 na ngayo’y isa nang ABS CBN artist, Kim Rodriguez sa magandang response ng netizens sa kanyang role bilang isa sa matinding kalaban ni Darna sa Mars Ravellos Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.
Ginagampanan ni Kim ang role ni Xandra ang kanang kamay ni Alien general Borgo. Hit na hit sa mga Kapamilya fan ang black sexy outfit nito na kurbang-kurba ang magandang hubog ng katawan.
Sobrang nag-eenjoy ito sa pagkokontrabida, kaya abangan ang mas matindi pang pagtutuos nila ni Darna.
Sa ngayon nga ay on going pa rin ang training nito ng boxing at martial arts bilang paghahanda na rin sa mga fight scene nila ni Darna.
At bilang bagong Kapamilya ay dream din nitong makatrabaho sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Piolo Pascual, Paolo Avelino at ang kanyang idolong si Angel Locsin.