Monday , December 23 2024

Para sa akomodasyon ng mga pasyente <br> OPD NG BMC PINASINAYAAN

MAS MARAMING mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center (OPD-BMC) sa isang programang isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa BMC Compound, Brgy. Guinhawa, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes ng umaga, 14 Nobyembre.

Pinondohan ng Department of Health sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (DOH-HFEP) ang dalawang palapag na gusali na tinatayang nagkakahalaga ng P49 milyon, para sa lawak na 684 sqm sa unang palapag at 612 sqm sa ikalawang palapag.

Sinabi ni Provincial Health Officer II Dra. Hjordis Marushka Celis, bukas ang bagong OPD mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am hanggang 5:00 pm, may kapasidad na tumanggap ng 300 hanggang 400 pasyente bawat araw; at tuwing Sabado mula 8:00 am hanggang 12:00 ng tanghali upang maghatid ng serbisyong limitado sa internal medicine at pagtatanggal ng tahi.

Pamamahalaan ang bawat pasilidad sa OPD ng mga section at department heads ng BMC kabilang ang Family Planning, OB-Gyne, Surgery Department, Treatment/Excision, Laboratory, X-Ray Room, Medical Department, Psyche/EENT, IPCC/HESU, Animal Bite Training Center, Dental Clinic, Pedia/Under 5 Clinic, Sub-Specialty Area, at Pediatric Department.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fernando ang pasasalamat sa DOH sa pagbibigay sa lalawigan ng bagong gusaling pangmedikal.

“Mayroon na naman tayong gusali na ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay makapagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan, lalo’t higit ‘yung mahihirap na tao na walang sapat na pera at sa atin lumalapit para humingi ng tulong,” anang gobernador.

Mahigpit na pinaalalahanan ni Fernando ang mga kawani na gampanan ang kanilang mga tungkulin nang may integridad at paglingkuran ang mga Bulakenyong nangangailangan nang may pagmamalasakit at pang-unawa.

Inianunsiyo ng Gobernador, ang dating outpatient department sa BMC ay magiging Department of Ophthalmology and Visual Sciences kung saan pinagunahan din niya ang groundbreaking ceremony sa idinaos na programa.

Para sa mga karagdagang katanungan at appointments, bisitahin ang BMC OPD Online Appointment Facebook page o bisitahin ang link na BMC OPD Online Appointment para sa OPD Consultation processes at mga anunsiyo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …