PUPULUNGIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mall operators kaugnay sa nalalapit na Kapaskuhan.
Nais ng MMDA na mabawasan ang nararanasang matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA na kadalasang mabagal ang usad ng mga sasakyan dahil sa Christmas sales ng ilang malls.
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Romando Artes, pupulungin nila ang mall operators upang isapinal ang pagpapatupad ng trapiko upang maiwasan ang nararanasang matinding trapik sa EDSA.
Paliwanag ni Atty. Artes, hindi umano mapipigilan ang mga ipinatutupad na Christmas sales ng mall operators kaya’t matinding problema sa trapiko ang idinudulot sa EDSA.
Binigyang diin ni Atty. Artes, mahalagang agad makagawa ng kaukulang hakbang ang mall operators kung ano ang kanilang mga pamamaraan upang maibsan ang matinding trapiko sa oras na magpapatupad ng Christmas sales. (GINA GARCIA)