I-FLEX
ni Jun Nardo
KEBER ng aktor na si Paolo Gumabao kung second choice siya sa role niya sa festival movie na Mamasapano (Now It Can be Told) ng Borracho Films na unang ibinigay kay JC de Vera.
“For me, it’s al work. Grateful nga ako dahil ako ang ipinalit kasi part ako ng movie na mailalabas ang truth sa nangyari sa Maguindanao massacre ng mga sundalo,” rason ni Marco sa mediacon ng movie.
Sa tuwa, nagpapasalamat si Paulo sa producer na si Atty. Ferdie Topacio dahil napanatii niya ang pagsusuot ng pantalon kompara sa movie niyang Lockdown.
Walang pagsisisi sa ginawa ni Paulo sa Lockdown at Sisid dahil marami siyang natutunan sa naging director niyang sina Joel Lamangan at Brilliante Mendoza.
“Hindi ako makararating where I am now without those movies,” deklarasyon ni Paulo.
Isa sa official entries ngayong December filmfest ang Mamasapano (Now It Can Be Told).