Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Dimples Romana

Dimples sa mga  naghahanap kay Angel — ibigay natin ang privacy na ‘yun sa kanya

NASAAN na nga ba si Angel Locsin? Ito ang tanong ng marami lalo’t hindi naramdaman ang presensya ng aktres nitong nagdaang kalamidad, ang Paeng. Isa kasi si Angel sa mabilis na umaaksiyon o nagbibigay ng tulong kapag may mga ganitong bagyo o lindol.

Sa grand mediacon ng bagong Kapamilya series na The Iron Heart natanog ang isa sa cast members at bestfriend ni Angel na si Dimples Romana ukol kay Angel.

Dapat hindi ako ang tinatanong n’yo. Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong moments na ganyan, eh.

“Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel super earned that kind of (privacy) kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since,” ani Dimples.

Inamin ni Dimples, matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ni Angel. “Even at this point, I always give it to her as well pero malapit na ang birthday ko kaya, ano na, lagi kong nakikita si Gel.

“Lalo na last time, I think I got to visit her a few months ago, I was in the area. My son goes to school around her area, so we had lunch together. So, ayun, that was the last time I saw her,” sambit pa ni Dimples.

Bagamat ‘di madalas magkita nagtatawagan o nagme-message naman sila. At iginiit na magkaibigan pa rin sila dahil hindi nasusukat ang pagkakaibigan sa dalas ng pagkikita.

“”Ang dami nang nagtatanong sa akin parang pang-ilan na kayo, kung mayroon man, ibigay na natin ang privacy na ‘yun, ibigay na natin ‘yun sa kanya.

“And I think na earn na ni Gel ‘yung ganoong klase ng luxury ‘yung time and privacy with Neil (Arce, her husband).” (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …