Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Andre Yllana

Jomari wagi sa Rally Sprint RS Open Category

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRANG proud ni Abby Viduya kay Jomari Yllana nangmaka-second runner-up sa Rally Sprint RS Open Category ng Paeng Nodalo Memorial Rally noong November 5 sa Subic Bay Freeport.

 Matagal-tagal ding hindi nakapangarera si Jomari subalit hindi nakitaan ng paninibago ang aktor/politiko dahil masigla niyang natapos ang karera at nakakuha pa ng puwesto.

Malaking bagay ang suportang ibinigay ni Abby kay Jomari gayundin ng anak na si Andre Yllana na nagtunto din sa Subic para personal na makita ang pangangarera ng kanyang ama at bigyan iyon ng moral support.

Sinabi ni Jom na malaking bagay na naroon ang kanyang anak na mahilig din sa car racing dahil naka-inspire iyon sa kanya para  lalong pagbutihin ang pangangarera.

Ang Paeng Nodalo Memorial Rally isinagawa bilang tribute kay Paeng Nodalo, isa sa pillar ng motorsports, at nasa likod ng legendary Mabuhay Rally noong 1970.

Sa sobrang proud ni Abby kay Jom, nag-post ang aktres sa kanyang social media ng, “Congratulations my Baby!!! You did it again! Description: 🏆So proud of you! You are amazingDescription: ❤️ I love you babyDescription: 😘#podiumfinish#rscategory#proudofyou#rallysprint.”

Hindi rin makapaniwala si Jomari sa tagumpay niya sa car racing lalo’t taon din siyang walang practice.

Ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa  Rally Sprint RS Open Class category na 26 karerista ang nakalaban niya.

Isang turbo diesel hatch CRDI ang minaneho ni Jomari at nagpapasalamat siya sa kanyang navigator na si Jeremie Lo. Idine-dedicate ni Jom ang kanyang pagkapanalo sa kanyang mga fallen comrade na sina Ed del Rosario at Boy Ochoa.

I joined the race just to have fun. I missed the sport, I like the adrenaline rush that it provides, especially when one hits podium finish,” anang aktor/politiko.

Dahil sa pagwawagi, nasabi ni Jomari na posibleng mangarera pa rin siya at sasabak siya internationally. “I think I’m good for another five years.”

Posibleng sumali siya ng car racing sa United States, the United Kingdom, at Spain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …