KAPAMILYA pa rin ang nag-iisang Concert King ng bansa na si Martin Nievera matapos pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4 sa Amerika, bago ang live event ng ASAP Natin ‘Tosa Las Vegas.
Para kay Martin, maituturing ang kanyang contract renewal bilang isa sa highlights ng kanyang 40th showbiz anniversary. Dahil dito, labis ang kanyang pasasalamat na manatiling Kapamilya para patuloy na makapagbigay saya sa mga Filipino sa iba’t ibang dako ng mundo.
“To be asked to stay Kapamilya forever, I’m very touched. The word Kapamilya may sound like a title, but for me it’s a true honor. It’s a great badge we wear because some of the greatest artists have walked our hallways and studios,” saad ni Martin.
“I’m proud to say that there are a couple of things growing for me. There’s just endless possibilities on what they have in store for me. But first and foremost, I must remain loyal, positive, keep inspiring, and more importantly I must remember that I am in the service of the Filipino people wherever,” dagdag niya.
Pinangunahan nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak at COO for broadcast na si Cory Vidanes ang naganap na contract signing event.
Isa si Martin sa mga unang artista ng ABS-CBN magmula sa pagbubukas muli nito noong 1986, na mas nakilala siya bilang isa sa regular performer ng longest-running musical variety show sa bansa na ASAP Natin ‘To.
Nagsilbi naman siyang celebrity judge sa ilang Kapamilya singing competitions tulad ng The X Factor Philippines at I Love OPM, talk-show host para sa mga programa niyang Martin Late @ Nite at LSS: The Martin Nievera Show, pati co-host sa musical gameshow noon na Twist and Shout.
Naglabas din siya ng mga kanta sa Star Music, na tampok din sa ilang kinagiliwang teleserye kabilang ang Maging Sino Ka Man at A Beautiful Affair. (MV)