Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miggs Cuaderno Aiko Melendez

Miggs Cuaderno,  pasaway na anak sa Mano Po Legacy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG pasaway at rebeldeng anak ang ginagampanan ni Miggs Cuaderno sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ng Regal Films at GMA Network.

Ang serye ay tinatampukan nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at Beauty Gonzales. Gumaganap dito ang dating child actor bilang Petersen, ang pasaway na anak ni Lily Chua na ginagampanan naman ni Aiko.

Pahayag ni Miggs, “Sa Mano Po Legacy, ang role ko po ay isang pasaway na anak na naghahanap ng pansin sa kanyang nanay. Tatay ko po rito si Marcus Madrigal at kapatid ko po si Will Ashley.”

Paano ang preparation niya rito?

Aniya, “Binasa ko po ang script at motivation ko po ‘yung story at niramdam ko po ang bawat eksena… kasi makikita n’yo po kapag pinanood n’yo kung bakit nagkaganoon si Petersen.”

Paano niya ito ide-describe?

“Itong Mano Po is about family po at problema sa bawat pamilya at kung paano po ito nila haharapin,” matipid na sagot ni Miggs.

Nabanggit din ng binatilyo na bagong challenge sa kanya ang TV show na ito.

Sambit niya, “Sobrang bagong challenge po ito sa akin,  kasi never pa ako nakagawa ng ganitong role na bad boy at sumasagot-sagot sa nanay.

“Lagi po kasing mabait ang role ko at inaapi. Kaya dapat po nilang makita ang kakaibang Miggs Cuaderno rito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …