Friday , November 15 2024
Kroma

Kroma mag-a-adapt ng Korean series

MATAGUMPAY ang isinagawang paglulunsad at paglalahad ng mga programa ng Kroma Entertainment, isang tradigital (traditional-digital) entertainment company kamakailan sa Kroma Overload event na isiangawa sa Circuit Makati. kasabay ang pagpapahayag ng kanilang mga plano sa taong 2023 kasama na ang pag-adopt ng Korean series at paglulunsad ng local version ng Complex, isang New York City based youth culture media brand.

Nakikipag-ugnayan na ang Kroma’s entertainment production, ang Anima sa Nego King Philippines, ang local adaptation ng Korean series na may ganito ring titulo. Kasama rin sa ilulunsad nila ang romantic film genre naReset U/I na nagtatampok kina Enchong Dee at Alexa Ilacad, kasama ang Missed Connections nina Kelvin Miranda, Miles Ocampo, Chie Filomeno, at JC Santos

Iri-release rin ng Anima ang isang dark comedy at romance thriller, ang Marupok AF na pinagbibidahan nina EJ Jallorina, Royce Cabera, at Maris Racal.

Sa kabilang banda, ilulunsad naman ng Kroma PubCo ang Complex Philippines sa 2023. Ang Complex na isang Buzzfeed subsidiary,  ay kilala sa kanilang coverage ng style, sneakers, food, music, sports, at pop culture sa pamamagitan ng kanilang online shows kasama ang Sneaker Shopping at Hot Ones.

“There is so much more to come with Kroma. We are committed as ever to inspire and entertain the world with the best of Filipino creativity, through the most innovative means, to bring Filipino talent to the world stage,” ani Ian Monsod, Kroma Entertainment chief executive officer.

Noong Mayoilunsad ngKroma sa tulong na rin ng Globe Telecom, Inc. ang kanilang Anima film productions, music production at management company na Nyma, ang music label na Paradise Rising, at ang interactive digital na PIE Channel.

“It’s a variety of different business areas that all have to do making great content and delivering it in the best possible and most innovative ways to different audience segments,” ani Monsod.

Ang Anima na nag-prodyus ng On the Job: The Missing 8 ni Erik Matti ay ang kauna-unahang HBO Asia Original mula sa Pilipinas na nominado bilang Best TV Movie or Miniseries sa International Emmy Awards at natatanging official entry ng ating bansa sa 93rd Academy Awards. Nag-premiere ang seryeng ito sa 2021 Venice Film Festival na nakamit niJohn Arcilla ang Volpi Cup Best Actor.

At kamakailan, kinilala rin ang pelikula ng Anima, ang  Leonor Will Never Die at Kun Maupay Man It Panahonbilang jury prizes sa Sundance at Locarno Film Festivals.

Inilunsad naman ng Paradise Rising, sa pakikipagtulungan ng 88rising, ang Filipino-Australian singer na si Ylona Garcia, na ang kanyang awiting Entertain Me at nakakuha ng over 300 million streams across audio at video platforms. At ang Semilucent compilation ng Paradise Rising na nasa ikatlong taon na ay mayroong 20 artists across 19 tracks and counting.

May 40 creators at talents naman ang Nyma ( o Now You Must Aspire). Kasama rito ang magaling na singer na si Morissette, founder ng Facebook community Home Buddies na si Frances Cabatuando, ang artist na si Raco Ruiz, at ang Pinoy celebrity at K-content creator na si Kristel Fulgar.

Dadalhin ng LiveMNL, full service event at activation agency ng Kroma ang Head in the Clouds, Pan-Asian music festival na unang isinagawa sa Los Angeles, at pagkaraan ay sa Manila sa Dec. 9 at 10 sa SM Festival Grounds sa Parañaque. Tatampukan ito nina Joji, Jackson Wang, NIKI, Rich Brian, ZEDD, Ylona Garcia, atGuapdad4000. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …