I-FLEX
ni Jun Nardo
WINNER sa netizens sa Twitter ang eksena ni Andrea Toress bilang Sisa sa nakaraang episode ng Maria Clara at Ibarra.
Ang eksena ni Andrea ay hinahap ang nawawalang anak na sina Crispin at Basilio.
Nagawa namang ilarawan ni Andrea ang damdamin ng isang ina na nawawala ang mga anak kahit hindi pa siya ina.
Kaya lang, masyado kaming nahabaan sa eksena niyang ‘yon at babad na babad hindi namin alam kung bakit, huh.
Mabuti na lang masarap panoorin sng mahusay na acting nina Dennis Trillo at Barbie Forteza kaya laging panalo ito sa ratings.