LIBO-LIBONG beer-in-cans, hinihinalang shabu, gadgets, at mga armas ang nasamsam ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon.
Ayon kay BuCor acting officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr., nasa 7,000 lata ng beer ang nakompiska sa isa sa mga “Oplan Galugad” raid nito sa kulungan.
“You might get drunk if you learn how much this cost – P1,000 each,” ani Catapang sa pulong balitaan.
Kamakailan, nakuha rin ng mga tauhan ng BuCor ang ilang kontrabando — mga cellphone, charger, radio communication device, at mga improvised na armas sa loob ng Bililbid. (GINA GARCIA)