Wednesday , November 13 2024
Chase Romero

Hollywood Lane isasagawa sa Sct Borromeo; Chase Romero ibi-build-up ng KSMBPI

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANG-MMK o Magpakailanman ang lovelife ni Chase Romero, bida sa pelikula ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc.  (KSMBPI) ni Dr. Michael Aragon na Socmed Ghosts dahil makulay at masalimuot ito.

Kuwento ng dating napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano, niloko siya ng dating boyfriend at ipinagpalit sa ibang babae. Kaya naman sobra siyang naapektuhan na nauwi sa depresyon.  Hanggang sa dumating ang pagkakataon na makapasok siya sa showbiz na sinabi niyang naging “gamot” para mapabilis ang pag-move on sa pagiging brokenhearted.  

Isa si Chase sa mga gumanap na pulis sa action-serye ni Coco Martin. Nasa grupo siya ni Geoff Eigenmann.

Aminado si Chase na malaki ang naitulong ng FPJAP sa kanya financially at personal na buhay. Napakarami kasi niyang natutunan sa serye lalo na kay Coco at sa ilan pang kilalang celebrities na nakatrabaho niya sa loob ng ilang buwan.

Suwerte rin niyang matatawag ang pagkakasama sa FPJAP dahil pagkatapos nito’y nagsunod-sunod  na ang projects niya sa ABS-CBN bilang extra hanggang sa maging character actress na nga siya sa mga teleserye at pelikula. Sa ngayon, may ginagawa siyang TV series sa GMA 7 na malapit na ring mapanood.

Bukod dito, magkakaroon na rin siya ng launching movie under KSMBPI, ang Thanks For The Broken Heart na tungkol sa May-December affair na makakasama niya ang magaling na aktor na si Rey “PJ” Abellana

Bida rin si Chase sa  Socmed Ghosts na ang istorya ay iikot sa apat na social cancer sa Pilipinas– climate change, extra-judicial killing, poverty, at child prostitution.  

Samantala, masayang ibinalita ni Dr. Michael ang plano nilang gawing “Hollywood Lane of the Philippines” ang Scout Borromeo Street sa Quezon City, District 4.

Ani Dr. Michael, “Ito ang magiging sentro ng ng iba’t ibang activities related to filmmaking or anything na may kinalaman sa movie industry, entertainment arts and culture and to provide a free zone where artists and filmmakers alike will be able to shoot and create movies permit free.” 

Bukod dito idaraos naman ang  Celebrities Atbp…Laban sa Climate Change/Emergency bilang pag-obserba sa National Clean Air Month. Tatampukan ito ng ilang celebrities at mapapanood ng libre. Makakapanood sila ng concerts, stargazing, cosplay, at sari-saring aktibidades mula 8:00 p.m.-5:00 a.m.  ng susunod na araw.

Bale prelude ito sa mas malaking proyektong gagawin ni Dr Michael, ang mala-Woodstock sa Guimaras next year.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roderick Paulate Robbie Tan

Roderick Paulate, Robbie Tan bibigyang pagkilala sa 39th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla HANDA nang parangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga natatanging pelikulang ginawa …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …