Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz BF Tantan

Madam Inutz suportado ang pagiging macho dancer ng BF

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI ikinahihiya ni Madam Inutz na ang boyfriend niya na si Tantan, ay isang macho dancer.

At dahil sa trabaho ni Tantan bilang entertainer, hindi maiiwasang maraming babae at gay ang nagpapakita ng motibo rito. Pero kampante si Madam Inutz sa loyalty ni Tantan.

“’Ika nga, hangga’t sa iyo umuuwi, wala kang dapat ikagalit. Tiwala lang talaga at saka pang-unawa. Kasi unang-una, roon ko siya nakilala, eh. ‘Di ako selosang babae,” ani Madam Inutz.

Sa mga nagsasabi naman na baka siya ang bumubuhay sa karelasyon na si Tantan, na may dalawang anak na sinusuportahan, ang sagot niya, “’Yun ang tingin ng tao, hindi natin maalis iyan. May work siya sa bar at saka nagsasama kami sa pagba-vlog. Kahit paano nasisingit na rin siya,” pagtatanggol pa ni Madam Inutz sa boyfriend.

Natutuwa si Madam Inutz na tanggap ng mga anak niya at ng mga anak ni Tantan ang kanilang relasyon.

Pero kahit maganda at tahimik ang takbo ng relasyon nila ni Tantan, aminado si Madam Inutz na hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …