Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francesca Flores

Francesca Flores, magpapasilip nang todo sa pelikulang Kabayo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAN ang newbie actress na si Francesca Flores. Very evident ito sa presscon ng pelikulang Kabayo na sinabi niyang kaya niyang ipakita ang lahat sa kanilang pelikulang ito.

Si Francesca ay alaga ni Lito de Guzman at ito ang third movie ng dalaga. Una siyang lumabas sa The Swing at sinundan ng Hiyas ng Kagubatan.

Ano ang role niya sa Kabayo?

Wika ng sexy actress, “Ang role ko po sa Kabayo ay si Marra, galing sa US, isang babaeng liberated po. Halos lahat kami rito sa movie ay may kanya-kanya pong fantasies, gaya ko in real life also party girl, then may loves scenes po kami na girl to girl ng bida na si Julia Victoria.”

Gaano siya ka-daring at ka-game sa hubaran dito?

“Super-daring po, kaya ko pong ipakita lahat-lahat… nagawa ko na po kasi nang nagbida po ako sa Hiyas ng Kagubatan. So, much more pa rito po sa Kabayo,” nakatawang sambit ni Francesca.

Aniya, “May girl to girl na love scene po rito, kasi lahat po ay sinubukan nilang magdyowa, lahat ng fantasies na yata nila, hahaha! At tulad ng sabi ni direk, halo-halo ang mga love scenes na mapapanood dito, na may bisexual din po,”

Ang pelikula ay mula sa LDG Productions ni Lito de Guzman, ito ay prodyus ni Manuel Antonio Veloso.

Tampok sa pelikulang Kabayo sina Julia Victoria, Rico Barrera, Paolo Rivero, Angelo Ilagan, Apple de Castro, at iba pa. Ito’y sa pamamahala ni Direk Gianfranco Morciano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …