RATED R
ni Rommel Gonzales
FINALE week na ngayon ng What We Could Be at ayon sa male lead star nitong si Miguel Tanfelix, mami-miss niya ang buong cast ng kanilang serye.
“Mami-miss ko silang lahat, sigurado ‘yun!
“Pero siyempre lahat naman ng bagay, kahit maganda, natatapos din, tulad nitong ‘What We Could Be’ na masasabi kong isa sa pinakamagandang proyekto na nagawa ko rito sa GMA,” wika pa ni Miguel.
Pero sigurado kami na hindi mami-miss ni Miguel ang leading lady niya sa What We Could Be na si Ysabel Ortega dahil may nakakasa na agad silang next project, ang Voltes V Legacy na malapit na ring mapanood sa Kapuso Network.
Nasa What We Could Be rin ang Sparkle hunk na si Yasser Marta.