I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPANG ang actor-model na si Marc Cubales na buhayin at i-produce ang face to face bikini competition na Cosmo Manila King and Queen 2022 sa November 5 sa Skydome SM North Edsa.
Kaya naman sa press presentation pa lang, naglabasan ang mga kontesero at kontesera sa mga bikini open upang ipakita ang alindog at kaseksihan nila.
In fairness naman, malaki ang cash prize na maiuuwi ng grand winner – P200K each! Kaya nga may isang male contestant na kahit nag-aarista na eh, sumali pa rin kahit tutol ang manager, huh.
Nahinto rin ang Bikino Open dahil sa pandemic kaya malaking tulong ang premyo at exposures ng candidates sa tulong ni Cubales.