Sunday , April 13 2025
Derek Ramsay Ellen Adarna Elias Cruz

Derek iginiit iiwan na ang showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

KINOMPIRMA sa amin ni Derek Ramsay na nag-quit na talaga siya sa showbiz dahil mas gusto niyang tutukan ang kanyang pamilya. Pamilya, meaning ang parents niya na aniya ay nagkakaedad na kaya gusto niyang mag-ukol ng mas maraming oras sa mga ito. 

And siyempre sapat na oras din ang nais ni Derek para sa misis niyang si Ellen Adarna, sa anak niyang si Austinat sa stepson niyang si Elias.

“You know, after the pandemic there were a lot of realizations. First thing is, ‘di ba, after lockdown, I was locked down by myself, my parents were in Tagaytay and I was home alone.

“It made me realize, the world is changing so much and my parents were in their twilight years, and if I keep grinding myself and working so hard, I’m gonna lose out precious time with my family and I’ll never forgive myself when that day comes.

“No money that you earn, no award, no project will replace the pain you will go through because you regret not spending time with those people that you love,” mahabang paliwanag sa amin ni Derek.

Nakausap namin si Derek sa SamLo Cup na birthday celebrity golf tournament at fundraising ni Samantha Lopezna isa sa mga celebrity players si Derek.

Sa ngayon ay abala siya sa kanyang construction company ang Tiger Con na gumagawa ng mga high-end houses.

Maayos ang pag-uusap nina Derek at ng GMA Network na nakakontrata siya bago nagdesisyong talikuran ang showbiz.

Samantala, beneficiary ng SamLo Cup ang Kids For Jesus Foundation na mga batang natatatangi na matagal nang inaaruga ni Samantha.

About John Fontanilla

Check Also

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene at ina sobrang nasaktan, Dennis binalewala sa kasal ng anak

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga naawa kay Dennis Padilla sa naging sentimyento nito sa …

Glaiza, Kylie, Sanya, Gabbi bardagulan bilang Sang’Gre

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE lang ang teaser na inilabas para sa coming GMA series na Sang’Gre pero humamig na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi itinangging may ipinaretoke; Ilong malaking insecurities 

I-FLEXni Jun Nardo MAHILIG si Ivana Alawi sa hotdog. Pero ‘yung pagkaing hotdog, huh! Naging dahilan nga …

Buraot Kween

Nora, Vilma, Maricel, at Sharon gustong makatrabaho ni Buraot Kween

MATABILni John Fontanilla TULOY na tuloy ang pagpasok sa showbiz ang isa sa Queen ng …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn Bernardo masaya kahit single

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ni Kathryn Bernardo na in a relationship siya ngayon. Sa isang interview, …