Monday , December 23 2024

Pangalan ng tatlong kasabwat idinamay
‘GUNMAN’ SA PERCY LAPID SLAY SUMUKO 

101922 Hataw Frontpage

NASA kustodiya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘gunman’ sa pagpaslang sa batikang broadcaster na si Percival Mabasa, kilala bilang “Percy Lapid.”

Ayon Kay Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, iniharap kahapon sa media ang sinasabing  suspek na si Joel Salve Estorial, 39, tubong Barangay Rizal, Javier, Leyte.

Sinabi ni Estomo, boluntaryong sumuko sa Special Investigation Task Group ang suspek dahil natatakot sa sarili niyang kaligtasan kasunod ng pagsisiwalat sa publiko ng ilang CCTV footages na nagpapakita ng kanyang mukha.

Ikinanta rin umano ni Estorial ang nag-utos para patayin ang broadcaster ngunit hindi pa nila ito maaaring sabihin sa media habang nagpapatuloy ang follow- up investigations ng Philippine National Police (PNP).

Nagpahayag ng pasasalamat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., sa mga pagsisikap na ginawa ng puwersa ng pulisya upang makabuo ng agarang imbestigasyon at sa pagpapakita ng kanilang taos-pusong pangako na protektahan ang mga personalidad sa media.

Kasunod ng pagsuko ng suspek, pinangalanan niya ang tatlo pa niyang kasamahan na ngayon ay sakop ng follow-up operation ng SITG, sina Israel at Edmon Dimaculangan at isa pang alyas Orly/Orlando.

Nasa ilalim ng masinsinang follow-up operations at tiniyak ng Task Group na hindi sila titigil hangga’t hindi nahahanap ang tatlo pang mga suspek.

Ang pagsuko ng gunman ay nagbunsod sa NCRPO sa isang konkretong case development matapos makipagtulungan para mabawi ang kamiseta at ang baril na ginamit sa paggawa ng krimen. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …