Sunday , December 22 2024
LTFRB bus terminal

Kapag rush hour
‘SURGE FEE’ TABLADO SA LTFRB 

HINDI pinaboran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng transport group na ‘P1-surge fee’ tuwing rush hour dahil sa patuloy na pagsirit ng mga produktong petrolyo.

“Bagamat magkakaroon ito ng inflationary effect sa ekonomiya ng bansa, isinasantabi muna ito ng ahensiya upang mahimay ang mga puntong inilatag ng transport groups sa naturang petisyon,” pahayag sa kalatas ng LTFRB.

Ayon sa LTFRB, patuloy ang ginagawang pag-aaral sa mga petisyong inihahain sa ahensiya at sa iba pang mga polisiya para sa kapakanan ng mga driver, operators, at mga pasahero.

Reaksiyon ito ng LTFRB sa natanggap na petisyon mula sa Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), na humihiling na magpatong ng ‘surge fee’ sa pasahe para sa traditional at modern public utility jeepney (PUJ) at public utility bus (PUB), nitong Biyernes, 14 Oktubre 2022. 

Base sa petisyon, hiling ng transport groups na lagyan ng dagdag-pasahe sa kada kilometrong biyahe tuwing rush hour o peak hours.

Ang isinumiteng petisyon ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

“Nauunawaan ng LTFRB ang hinaing ng mga driver at mga operator na itaas muli ang pasahe dulot nang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo,” saad sa pahayag.

Bukod dito, naiintindihan din umano ng ahensiya ang panawagan ng mga komuter na ang muling pagtaas ng pasahe ay lalong magpapahirap sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …