Sunday , December 22 2024

 ‘House visit’ ng pulis pinuna
DIALOG SA MEDIA MUNGKAHI NI ABALOS 

101822 Hataw Frontpage

DIALOG sa media outfits ang plano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., upang matalakay ang mga pangamba at concerns hinggil sa ginawang home visits ng mga pulis sa tahanan ng ilang mamamahayag kamakailan.

Ayon kay Abalos, maglalabas ang ahensiya ng proseso at magpa-publish ng hotline kung saan maaaring ipaabot ng media practitioners sakaling makatanggap ng posibleng banta sa kanilang buhay.

Maaari anilang gumawa ng liham na naka-address sa concerned PNP units kung nais nilang magkaroon ng security personnel mula sa pulisya.

“Ipapapakita namin ang proseso, ipapakita namin ang tao, kung ano ang hotline namin, kung ano ang dapat gawin at kung talagang may threat sumulat lang kayo at kung kailangan ninyo ng mga police security ibibigay po namin ito.

“‘Yun po ang commitment ng PNP,  ‘yun ang commitment ng DILG sa lahat po ito, at ‘yun ang gusto namin, magkaroon tayo ng dialogo tungkol dito. Pinagawan ko ‘yung sulat the other day, kahapon siguro ito ay i-distribute na,” ani Abalos.

Matatandaang pumalag ang ilang mamamahayag nang ilang nakasibilyang pulis ang bumisita sa kanilang mga tahanan kamakailan.

Kaagad dumepensa ang Eastern Police District (EPD) at sinabing malinis ang kanilang intensiyon sa house visit at ito’y pagpapakita ng kanilang tunay na malasakit para sa kapakanan ng mga mamamahayag. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …