Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas Sean de Guzman Jela Cuenca

Sean pagaling ng pagaling umarte

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HUMATAW na naman si Sean de Guzman sa bago niyang proyekto sa 3:16 Media Network na ihahatid ng Vivamax.

Malalim ang karakter ni Jimmy. Isang security guard. Na madaling nadadala o natutukso sa mga kamunduhan ng isip na pinagagana niya sa tunay na buhay.

May asawa siya. Na ginagampanan ni Christine Bermas. Na ang tanging hangad lang ay ang dumating sila sa punto ng asawang mamuhay ng matiwasay sa lugar kung saan sila nagkakilala at bumuo ng pamilya.

Sa lugar na binabantayan ni Jimmy ang ikot ng buhay ng mga taong  nakatira sa mga paupahang unit, mahahaling siya sa babansagan niyang Ms. F na ginampanan naman ni Jela Cuenca.

Kung konserbatibo sa ayos ang asawa, siya namang humuhulagpos ang kulo ng kamunduhan sa babaeng pumukaw ng kanyang pagka-lalaki.

Si Crisanto Aquino ang nagpagalaw sa mga anino ng mga katauhan sa Relyebo.

Mababagalan ka sa mga unang eksena nito. Pero habang lumalaon, ‘sing bilis na rin ng mga palitan ng eksenang sekswal at senswal ang matutunghayan.

At mamumulat ka na isang maganda ang pagkakahabi ng lovestory na pala ang pinapalakpakan mo ang mga eksena. Sa husay ng pagganap ng mga tauhan. Sa igting ng aral na ipinamumulat. Tungkol sa relasyon. Sa pamilya.

Dignidad. Integridad. Ano nga ba ang mapatutunayan ng isang guard? Hindi raw siya guard. Kundi security guard.

Kapag sinabing relyebo, nakikipagpalit ka sa  oras o mga sandali na hindi ikaw dapat ang naroon. Lalo sa trabaho.

Rito umikot ang buhay ng dalawang sikyo. Na ang isa eh, ginampanan ni Jeric Raval.

Sa payak na ikot ng buhay na paulit-ulit na lang na gumugulong, nag-iba ang kumpas. Nangyari ang pakikipag-palitan ng relyebo.

Maganda siyang panoorin dahil may bibitbitin o babaunin ka sa kabuuan nito. Maayos at napapanahon ang palitan ng mga dayalogo. Binusisi ang paglalarawan ng mga eksena. May kiliti ang musikang pumapasok ng akma sa eksena. 

Itong si Sean, ha! Dalawang international awards na ang tinatanggap. Pagaling lang ng pagaling sa mga sari-saring papel na ipinagkakatiwala sa kanya.

Madalas na naming sabihing, marunong na siyang lumebel sa mga emosyong pakakawalan niya sa katauhan niya.

Malibog na sikyo. Na ‘di nauubusan ng pantasya. Mapagbigay sa minamahal na asawa hanggang sa kama. But there’s more he wanted. At doon nasubok kung hanggang saan siya ihahatid ng kamunduhan niya.

Ano at sino ang sinimbolo ng “relyebo” rito?

Panoorin ‘yan sa Vivamax para malaman ang kasagutan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …