I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGKASUNDONG-MAGKASUNDO ang magkaibigang GMA executive na si Joey Abacan at Regal Chief Operations Officer na si Roselle Monteverde.
Nasundan muli kasi ng third installment ang Mano Po Legacy series dahil successful ang first two installents nito na Family Fortune at Her Big Boss.
This time, labanan ng apat na magkakapatid na babae ang magtutunggalian sa katauhan nina Aiko Melendez bilang Lily; Beauty Gonzales as Violet; Thea Tolentino as Dahlia; at Angel Guardian as Iris.
Magkatapat dati ang shows nina Aiko na Prima Donnas at Beauty ng Kadenang Ginto. This time, magkasama na sila sa isang show na sila ang dalawa sa magbebenggahan!
Tinanong namin si Joey na sa apat na aktres, sino kaya siya. “Si Violet!” tugon ni Abacan habang si Roselle ay, “Si Lily!”
Sa August 31 mapapanood sa GMA primetime ang The Flower Sisters kapalit ng What We Could Be.