Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Christine Bermas Crisanto Aquino

Sean taksil, Christine nakunan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AKTOR na aktor na nga si Sean de Guzman. Malayong-malayo na ang narating ng galing ng kanyang pag-arte simula nang ipakita niya ang talentong ito sa launching movie niyang Anak ng Macho Dancer.

Noong Miyerkoles ng gabi, muling nagpamalas ng husay ng pag-arte si Sean sa pelikulang Relyebo ng Vivamax kasama sina Christine Bermas at Jela Cuenca. Mapapanood na ito simula sa araw na ito sa Vivamax na idinirehe ni Crisanto Aquino.

Malalim na nga umarte si Sean dahil ramdam na ramdam namin ang sakit na naramdaman niya nang husgahan ni Jela ang pagkatao niya at sabihan siyang ‘pangkama ka lang’ at ‘guard ka lang.’

Idagdag pa rito ang eksenang sinisi siya ni Christine dahil sa nalaglag ang kanyang ipinagbubuntis dahil sa patataksil at ang hirap na naramdaman niya nang ayawan na siya nito.

Isang security guard ang ginagampanan ni Sean sa Relyebo. Si Jimmy na nagbabantay sa isang apartment building. Naka-duty siya tuwing gabi at naging libangan niya ang bigyan ng label ang mga tenant doon. Nawala lang ang pagkabugnot niya nang dumating ang bagong tenant na may pulang buhok, na tinawag niyang  Ms F dahil sa magiging fantasy niya ito. Ito si Jela na ang fantasy ay napunta sa pagpapantasya hanggang sa naka-iskor siya rito. Buong akala niya ay gusto rin ni Ms F ang nangyari sa kanila subalit hindi pala.

Live-in partner ni Sean dito si Christine na matyagang naghihintay sa kanya. Subalit hindi niya namalayan isang gabi na nasundan pala siya nito kaya nabuking ang ginawang pagtataksil. Nakunan si Christine na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa totoo lang, isang love story itong Relyebo na hinaluan ng matitinding eksena sa kama na siyang tatak ng Vivamax. 

Mapupuri ko ang magandang pagkakadirehe ni direk Crisanto sa pelikula na tiyak may makukuhang aral ang sinumang tututok. 

Kaya watch na ng Relyebo na nag-aalab ang mga eksena nina Sean, Jela, at Christine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …