Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chase Romero

Chase Romero ng Probinsyano bibida na sa Socmed Ghosts ng KSMBPI

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI maitago ng founding chairman ng KSMBPI (Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas Inc) na si Dr. Michael Aragon ang excitement at saya sa tuwing ibinabalita ang ukol sa pelikula nilang Socmed Ghosts na malapit nang matapos ang syuting.

Sa lingguhang Showbiz Kapihan, naibalita ni Doc Michael na matatapos na ang Socmed Ghosts at na tatalakay sa apat na social cancer ng ating bansa – climate change, extra-judicial killing, poverty and child prostitution. Kay naman pinaghahandaan na rin nila ang kasunod nito.  

Sa ikalawang prodyus ng KSMBPI na pelikula, pawang mga baguhan ang itatampok nila pero promising. Lahat ng kasama rito ay produkto ng reality show ng KSMBPI na SocMed House: Bahay ni Direk Maiah na kasalukuyang napapanood sa KRTV YouTube channel at sa Facebook page ng KSMBPI.

Isa sa bida ng pelikula ay si Chase Romero na napanood na sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Officer Clara de Castro. Sa Socmed Ghosts ay ginagampanan niya ang papel ni Desiree na isang nerd at may third eye.

Inamin ni Chase nang makahuntahan namin ito sa Showbiz Kapihan na masayang-masaya siya na nabigyan ng pagkakataong makapagbida. Isang malaking break nga naman ang ibinigay sa kanya ng KSMBPI.   

Aminado si Chase na talagang kinabahan siya dahil first lead role niya ito pero at the same time ay excited siya sa bagong karanasang ito.

First ever main role ko ‘to and ‘yun po ang isang nagpa-go sa akin. Siyempre, new experience. Syempre, gusto kong ma-experience na hindi na ako best friend (role) ni ganito, ni ganyan,” ani Chase.

Sinabi pa ni Chase na malaking pressure sa kanya ang pagbibida dahil kailangan niyang patunayan na deserving siyang mabigyan ng ganito kalaking break.

Bagamat sanay na ring umarte, hindi naman siya bakaw sa talento. Actually ibinabahagi rin ni Chase ang kanyang kaalaman sa pag-arte. Binibigyan niya ng pointers at tinuturuan din niya ang mga baguhang kasamahan sa Socmed House.

Sa totoo lang, nae-enjoy daw ni Chase ang paggawa ng pelikula lalo na nga sa camaraderie ng grupo dahil may natututunan din sila sa bawat isa.

Ang Socmed Ghosts ay idinirehe nina Jojo Albano at Karlo Montero kasama sina direk Pete Mariano at direk Jeremiah Palma.

Si Palma ang nagdirehe ng unang pelikulang ginawa ng KSMBPI, ang Umbra na  dalawang beses nang nakakuha ng trope,ito ay Best Director sa international film festivals.

Ang Socmed Ghosts ay for international release at iginiit ni Doc Michael umaasa silang muling makasusungkit ng awards sa mga filmfest abroad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …